Batang Makakalikasan 2014

Tampok ang pag papahalaga sa mga bata at sa bahaging ginagampanan ng mga ito sa pag unlad ng komunidad sa pag diriwang ng National Children’s Month ngayon October na may temang “Bata Kasali ka, Ikaw ay Mahalaga”.

Ang pagdiriwang ng NCM ay nakasaad sa Prtesidential Proclamation No. 267 ni President Ramos noong 1993 at sa saligang batas ng Pilipinas na kinilala ang mahalang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa pag unlad ng bansa.

Bilang pag diriwang ng NCM isa sa mga proyekto ng Pamahalaang Lungsod ng Batangas, sa pamamahala ng City Social Welfare & Development Office, City Council for the Welfare of Children, Association of Barangay Council, Day Care Worker Association at Daycare Parent Committee ay ang Search ng Batang Makakalikasan 2014 kung saan ang kanilang costume na isusuot ay pawang yari sa mga indigenous materials.

Upang maipakita ng mga bata ang pag papahalaga sa kapaligiran at pag mamahal sa inang kalikasan ibat-ibang indigenous costume ang isinuot ng 110 pares na kalahok. Nanalo bilang Batang Makaklikasan 2014 at Most Indigenous sa kasuotan ay sina Prince Elijah Mendoza at Rayne Jian Axalan ng Balagtas Day Care Center, Most Elegant Costume naman sina Rafael Bancajergan at Aeysha May Gelliama ng Wawa DCC, Most Charming sina Jan Kerby Adrielle Manalo at Joyce Lachama ng Talumpok Silangan DCC at Most Simple costume sina Akehieza Vallette Arellano at Bien Lawrence Malabanan ng Sta Rita Karsada DCC.

Laking tuwa naman ng mga magulang ng mga bata dahil sa exposure na ibinibigay sa kanilang mga anak na makakatulong ng malaki sa kanilang developmental stage.

Samantala binigyan ng award ang mga batang nanalo sa sportiest, logo making contest at photo contest.  Para sa Logo Contest 1st si Lizette Hernandez ng Banaba East Day Care Center, 2nd si James Ruzzel Catapang ng Talumpok West DCC, nag tie naman sa ikatlong pwesto sina Glyza Catherine Ebreo ng Haligue Silangan DCC at Xean Kayzie De La Cruz ng EBD III DCC.

Para sa Photo Contest 1st si Cedric Delen ng Sto Nino DCC, 2nd Kath Joana Panganiban ng Malalim DCC at 3rd si Briannah Dennise Atienza ng Mabacong DCC. Nanguna naman sa basket ball sa lalaki ang Malitam DCC at best in uniform, ist runner up ang Balagtas DCC at 2nd runner up ang BUBI Buklod Unland DCC. Sa volley ball girl naman champion ang Banaba East DCC at siya rin napili best in uniform, 1st runner up ang Sto Dominggo DCC at 2nd runner up ang Barangay 20. LIZA PEREZ DE LOS REYES/PIO Batangas City