Coop Month 3rd day

Nagtagisan at nagpasiklaban sa sayaw at awit ang mga myembro ng ibat-ibang kooperatiba sa Batangas sa ikatlong araw ng   2nd District Cooperative Assembly sa Training Center ng Office of the City Veterinarian and Agricultural Services (OCVAS).

Ito ay kaugnay pa rin ng pagdiriwang  ng Cooperative Month Celebration sa lalawigan na may temang Co-ops 2020: Raising the Bar, “Batanguenos: Yes We Can”.

Layunin ng nabanggit na patimpalak na maishowcase ang angking galing at talento ng mga myembro ng kooperatiba at madevelop ang camaraderie sa pagitan ng mga ito.

Tinanghal na 1st prize winner sa dance contest ang Batangas Healthcare Multi-purpose Cooperative na nagkamit ng P 5000 na premyo.

Ikalawang pwesto naman ang grupo ng Calicanto Senior and Community MPC na nag-uwi ng P 4,000 habang ang SIBBAP ang nanalo ng P 3000 bilang ikatlong gantimpala.

Sa Junior category sa Singing contest, tinanghal na pinakamahusay na mang-aawit si Lourdaine Kay Marasigan ng SIBBAP, 2nd prize si Sarah Josiah Dimaano ng BANAPRA at ikatlong gantimpala naman si Angeli Yvette Hornilla ng SIBBAP.

Hindi rin nagpahuli ang mga lumahok sa Senior category. Si G. Severino Acorda ng Coops for Christ   ang nagkamit ng unang gantimpala. Pumangalawa sa kanya sa galling sa pag-awit ang kinatawan ng CCRV Coop na si Jinky Torino at 3rd prize winner naman si Oliver Javier ng Batangas Healthcare MPC.

Ang kaibahan ng naturang singing contest Ang mga nanalo ay nagkamit ng P 5,000, P 3,000 at P 2,000 ayon sa pagkakasunod-sunod.

Naging batayan sa pagpili ng mga nagwagi ay voice quality, stage presence, choice of song at audience impact.

Sa naturang okasyon din inilunsad ang “Pay It Forward” project na binuo ng mga Local Cooperative Development Officers  sa 2nd District.

Ang konsepto nito ay pipili ang ilang malalaki at matatag na kooperatiba ng tutulungan na  maliliit na kooperatiba. Maaring ito ay sa pamamagitan ng technical or financial assistance. Matapos na sila ay matulungan, sila naman ang tutulong sa iba upang  maging sustainable ang operasyon ng mga kooperatiba. (Ronna Endaya Contreras)