Cattle Fattening Project

cattlePinagkalooban ng  City Planning and Development Office ng cattle-fattening projects ang  may 32 beneficiaries mula sa  apat na barangay sa Batangas City.

Ang bawat isa ay tumanggap ng P20,000  bilang pambili ng baka sa auction market sa Padre Garcia kasama ang ilang empleyado ng CPDO.

Kabilang din sa P 20,000 ang pagpoproseso ng mga dokumento gayundin ang pamasahe o trucking upang maiuwi ang aalagaang baka.

Ayon kay City Planning and Development Officer Januario Godoy, mula 1988, may P 27milyon   ang halagang ginugol ng pamahalaang lungsod para sa proyektong ito at 2130 magbabaka na nabibilang  sa mga higit na nangangailangang  mamamayan ng lungsod ang nakinabang dito.

Binigyang diin  ni Mayor Dimacuha sa kanyang mensahe sa mga beneficiaries na ang pagpapaiwi ng baka ay isa sa mga priority projects ng kanyang administrasyon kung kayat hindi kabahagi ang pamahalaang lungsod sa magiging kita o tubo dito at ang halagang P 20,000 ay babayaran nila sa loob ng tatlong taon nang walang interest.

Hiniling ng CPDO sa mga beneficiaries na tumupad sa kasunduan sa pagbabayad upang mas marami ang makinabang sa nabanggit na proyekto.

Ipinabatid din sa nabanggit na orientation  na mula sa 150 beneficiaries sa taong 2014, magiging 200 ang beneficiaries sa cattle fattening sa taong  2015  kung kayat mas marami ang makikinabang dito.

Sa mga  interesado  sa  cattle fattening, ang unang gagawin ay  makipag-ugnayan sa pangulo ng mga barangay. (Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City)