Gender and Development Center

Gender and Development Center

BATANGAS CITY-Tinatawag ng Gender and Development(GAD) Building ang ginawang Women’s Center sa Plaza Mabini matapos itong masira ng bagyong Glenda noong 2014.

Pinasinayaan ang gusali ngayong araw na ito nina Board Member Marvey Marino, Ms. Beverley Dimacuha, mga city councilors, mga miyembro ng Kalipunan ng Liping Pilipina(KALIPI) at mga taong may kapansanan.

Ayon kay Mila Espanola, City Social Welfare and Development Officer, ito ay may tatlong opisina para sa mga kababaihan, mga may kapansanan habang ang isa ay laan sa iba pang sektor. May pasilidad din ito para sa training, seminars at mga pag pupulong.

Ayon kay aling Diday na may kapansanan, malaking tulong sa kanila ang bagong GAD building sapagkat mayroon na silang lugar na magagamit kung sila ay mag kakaroon ng mga pagpupulong at pwedeng tigilan kung sila ay pupunta ng bayan.

Ang GAD ang isa sa mga prayoridad ni Mayor Eduardo Dimacuha bilang pagkilala niya sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa kaunlaran ng komunidad at ang pagpapahalaga sa mga persons with disabilties(PWDs) upang ang mga ito ay maging produktibong mamamayan.

Iba’t ibang ahensya ng pamahalaang lungsod ang may programa sa GAD kagaya ng City Social Welfare and Developent Office, City Health Office, Office of the City Veterinary and Agricultural Services at City Disaster Risk Reduction and Management Office.

 

13082712_1755000178069918_3484124113316460427_n 13083093_1755000131403256_5175981079146149956_n 13083218_1755000171403252_8938808758126128719_n 13094352_1755000071403262_973593412710089031_n 13096360_1755000061403263_7146364929428641348_n 13103325_1755000068069929_4307330803366042926_n 13133184_1755000094736593_480814364540336306_n-1