batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
June 08, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



Caballero Trees

Naghahatid ng ligaya sa paningin ang mga punong naka-yungyong sa tabing karsada sa bahagi ng Barangay Concepcion at ibang bahagi ng lungsod ng Batangas na animo'y mainit na bumabati sa pagdating ng mga tao sa lungsod. Ito ang mapupulang bulaklak ng Caballero trees na tinaguriang Batangas City chartered flower.

Ang Caballero trees na may scientific name na Delonia Regia Poinciana ay itinanim ng pamahalaang lungsod ng Batangas may 15 taon na ang nakararaan sa pangunguna ni Mayor Eddie B. Dimacuha bilang bahagi ng kanyang programang "Isang Puno, Isang Patpat, Ating Buhay ang Katapat". Ang may 20 - 30 punong-kahoy na ito na itinanim sa lunsod ay may kulay red-orange na mga bulaklak ay namumukadkad tuwing buwan ng Mayo. Ang "fire trees" ang sumisimbolo sa mainit na pagtanggap o zest for life ng mga Batangueño sa mga posibilidad na maaaring mangyari sa kanilang buhay.

Kapansin-pansin din ang pamumukadkad ng mga punong ito sa bahagi ng Calumpang River at sa highway ng Pallocan West na itinanim ng mga Boy Scouts at kawani ng pamahalaang lungsod. Sa bahagi naman ng Barangay Sampaga ay makikita ang mga dwarfed caballero trees na nagbibigay kulay sa mga viajero patungong Lobo, Batangas.

Ang caballero trees ay isinulat na rin ng isang columnist sa Philippine Daily Inquirer noong taong 2006 dahilan sa ganda at lilim na idinudulot nito sa kapaligiran. Ang pagtatanim ng mga punong ito ay nabuo sa isip ni Mayor Dimacuha dahilan sa kung sa Japan ay makikita ang mga cherry blossoms , nais niya na makilala rin ang lungsod ng Batangas sa ibang klase ng bulaklak. At nito ngang lumaki ang mga puno at bumukadkad ang mga bulaklak nito, laking tuwa niya dahilan sa ito ay pagpapakita lamang ng sariling kakanyahan ng mga Batangueno bilang isang lahi na handang tanggapin ang hamon at pagsubok sa makabagong panahon. (Dimpy Lontoc Matienzo, PIO Batangas City)
Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.