batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
June 08, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



School Supplies Distribution

May 100 kapospalad ng mga batang mag-aaral sa Barangay 6, Batangas City ang nakatanggap ng libreng school supplies bilang tulong sa kanila sa nalalapit na pasukan sa June 15.

Ang mga school bags na ipinamahagi noong June 7 at naglalaman ng mga kagamitan sa eskwela ay buhat sa personal na tulong ng pangulo ng Barangay 6 na si Roberto Ramos Mendoza.

Ayon sa kanya, hiningi niya ang tulong na kanyang pamilya at ng mga barangay officials na mag-ambag ng pera mula sa kanilang sariling bulsa upang maibili ng mga schools supplies na ipapamahagi sa mga batang hirap ang mga magulang makabili ng mga kagamitang ito para sa pag-aaral.

Sinabi rin ni Mendoza na ang ganitong gawain ay nag- umpisa lamang sa panunungkulan niya at ipagpapatuloy niya kapag nakitang maganda ang naging resulta nito.

Mga 100 bags na may lamang krayola, lapis, notebook, papel at water color ang ibinigay sa mga kinder hanggang grade 2 na mag-aaral sa pasukan.

Lubos naman ang kagalakan at pasasalamat ng mga bata at ng kanilang mga magulang sa tulong na ito buhat kay Pangulong Mendoza. (Aubrey Hanzel Alib, PIO Batangas City)
Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.