batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
June 08, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



Vietnamesse Student from BSU

Hindi lamang nag-aaral ng English ang mga Vietname students dito sa Batangas City, interesado din silang malaman ang takbo ng lokal na pamahalaan dito.

Kaugnay nito, bumisita sa City Hall ang 25 Vietnamese students ng Batangas State University noong June 4 upang maging familiar sila sa mga opisina dito at magkaroon na din ng ideya kung papaano nag ooperate ang ilang mga departamento dito at makasalamuha na rin ang mga kawani sa City Hall.

Ayon kay Armando Mendoza Jr., practicum teacher ng mga Vietnamese na ito na pawang mga professionals na sa kanilang bansa , ang tour ng lungsod ay bahagi ng kanilang pag-aaral upang malaman ang mga puntahang lugar sa lungsod katulad ng Plaza Mabini , Basilica de Imaculada Conception at ang Museo Puntong Batangan.

Kabilang sa mga opisinang kanilang binisita ang City Mayor's Office kung saan sila ay tinanggap ng secretary to the mayor na si . Luz Amparo, City Treasurer's Office sa pangunguna ni City Treasurer Maria Teresa Geron at sa Public Information Office kung saan live silang na interview ng hepe nito na si Leticia Chua sa BCTV 73. Ipinaalam din sa kanila ni Chua kung papaano nagbibigay ng impormasyon tungkol sa gawain ng pamahalaang lungsod at iba pang local issues ang PIO sa pamamagitan ng tri media.

Nagpaunlak din ang mga bisitang awitin ang kanilang pambansang awit na ang kahulugan ng pamagat sa Ingles ay "Being With Uncle Ho on Victory Day".

Ayon pa kay Mendoza, bukod sa Batangas City ay plano din nilang libutin ang Batangas Province at ilang kalapit probinsya katulad ng Tagaytay at Quezon.

Ang mga nasabing mag-aaral ang ika-walong batch ng mga Vietnamese students sa Batangas State University sa ilalim ng Intensified English Program nito at tie-up ng BSU at ng Thai Nguyen University sa Vietnam. (Monina Beredo Fernandez, PIO Batangas City)
Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.