batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
June 12, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



Independence Day Celebration

Suot ang kanilang mga damit na Filipiniana, pinangunahan ni Mayor Eduardo Dimacuha ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng mga bayaning sina Jose Rizal at Apolinario Mabini sa Plaza Mabini ng Batangas City kasama ang mga department heads ng pamahalaang lungsod at mga opisyal ng Department of Education upang ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan noong June 12.

Maaga pa lamang ay narinig na sa paligid ng City Hall ang mga makabayang awitin at ganap naman ika-7 ng umaga ng itaas ang watawat sa City Hall. Ang tema ng pagdiriwang ay "Kalayaan: Tagumpay ng Bayan".

Ayon pa rin kay Dimacuha, may kaakibat na resposibilidad ang kalayaan na tinatamasa ng mga Pilipino. Ipinaabot naman ng mga seupervisor ng Department of Educationa ng kanilang pananaw sa pagdiriwang ng kalayaan.

Samantala, nagkaroon din ng programa sa SM City Batangas bilang pakikiisa sa pagdiriwang na ito. Sa mensahe ni Lorenz Calingasan IV, Mall Manager ay binigyang diin nito na kaisa ang SM City Batangas sa kasarinlan at kalayaan ng bansa sa aspetong pag unlad. Patuloy ang SM sa pagnanais na makatulong at makapagbahagi sa lipunan.

Sinabi rin ni Calingasan na ang kalayaan tinatamasa natin ngayon ay patunay ng isang progresong lungsod ng Batangas.

Dumalo rin dito ang mga boy scouts at girl scouts sa pangunguna ng mga opisyal ng Batangas City Council.

Ayon kay City Administrator Philip Baroja na siyang naging kinatawan ng pamahalaang lungsod, walang pinaka masarap sa isang nilalang kundi ang maging malaya. Aniya, mapalad ang mga taga lungsod dahil tunay na malaya at matiwasay ang pamumuhay dito kumpara sa ibang lugar sa bansa. Ngunit binigyan diin ni Baroja na sa kasalukuyan may patuloy na pakikibaka ang bansa at ito ay ang pakikipag laban para sa kalikasan.

Hinikayat niya ang lahat na patuloy na labanan ang mga gawaing nakakasira sa kapaligiran. Pinasalamatan rin niya ang SM City Batangas sa patuloy nitong suporta sa mga programang pangkalikasan ng pamahalaang lungsod.

Hiniling rin ni Baroja na magtaguyod ng isang one-act play ang SM ukol sa mga bayaning Batangueno, upang higit na makilala at maipaalam sa mga kabataan ang mga naging kontribusyon ng mga ito.

Lahat tayo aniya ay maaring maituring na bagong bayani kahit sa simpleng paraan tulad ng pagiging magalang sa kapwa, pangangalaga ng kalikasan at pagmamahal sa bayan. (Marie V. Lualhati, PIO Batangas City)
Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.