|
Joly Bulilit
Tinanghal na ika-18 Jolly Bulilit ang 7 taong gulang na Grade 1 student ng St Bridget College na si Sheena Kristina Gunay ng Barangay Pallocan West sa Search for Ms Jolly Bulilit 2010 na isinagawa noong June 8, 2010 sa Event Center ng SM City Batangas.
Siya ay tumanggap ng trophy, sash, bouquet, gift pack, P 1000 gift certificate from China Bank, P 3000 worth of Jollibee certificate, scholarship grant from VIP Dance Studio at Center for Pop.
Nagwagi bilang 1st runner up si Kate Calaluan at 2nd runner up naman si Charmagne Magtibay.
Humakot ng Special Awards na kinabibilangan ng Best in Casual Wear, Best in Talent at Best in Long Gown si Veronica Thania Ona. Best in Sports Wear naman si Erin Ysabelle Dimaano, Ms Photogenic si Icyree Manibo at Ms Popularity at Ms Friendship si Kate Calaluan.
Ito ang ikalabing siyam na taon nang pagsasagawa ng Jollibee P. Burgos ng nabanggit na competition para sa mga cute little girls na naglalayong maipakita ang kanilang angking galing at talento.
Nagpakita ng katalinuhan at pagiging bibo ang mga kandidata sa Question and Answer Portion at Talent Portion.
Nagbigay ng mensahe sina Jollibee P Burgos Store Manager Donna Sheryll de Castro at Inspirational Talk naman ang ipinagkaloob ng Group Manager na si Lennie Caballes.
Nagbigay ng intermission numbers ang mga estudyante ng VIP Dance Studio at Center for Pop sa lungsod.
Hangad ng pamunuan ng Jollibee P Burgos na syang kauna-unahang Jollibee branch sa Batangas na maimbitahan lahat ng Jolly Bulilit winners sa pagdiriwang ng kanilang ika-20 taong anibersaryo sa June 2011. (Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City)
|