Illegal Possesion of Firearms
Tatlo katao ang naaresto ng mga kagawad ng Batangas City PNP sa paglabag sa RA 8294 o illegal possession of firearms and ammunitions habang nagsasagawa ng ordinary checkpoint operation sa Barangay Bolbok noong ika-23 ng Hunyo.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Eliezer Galve, 53 taong gulang, tubong Sta. Cruz Manila, Carlito Baberto, 34 years old tubong Panique Tarlac at Guillermo Ruales, 72 taong gulang na nakatira sa Quezon City.
Ayon kay Pol. Sr. Insp. Mario Alvarez, team leader ng grupo, ordinaryong stake out lamang ang kanilang isinasagawa.
Pinara aniya nila ang sinasakyang Mitsubishi L-300 van ng mga suspek upang isagawa ang isang mandatory checkpoint.
Laking gulat ng mga pulis nang tumambad sa kanila ang mga spare parts na ginagamit sa paggawa ng baril.
Ilan sa mga nakumpiska sa mga suspek ay 23 piraso ng gatilyo para sa Caliber 38, 29 pieces of Hammer para sa Caliber 38, 11 pieces ng bolt assembly para sa 12 gauge shotgun, 13 pieces ng trigger housing, 6 na piraso ng cylinder para sa Caliber 38, 4 na piraso ng rifle sling, 3 wooden handgrip ng shotgun, isang pares ng Pact Mayer, pitong basyo ng bala ng Caliber 38, 2 basyo ng bala ng 12 gauge shotgun at iba pang aksesorya sa paggawa ng baril.
Ayon kay Alvarez, maaaring ang mga suspek ay kaanib sa isang malaking gun running syndicate ma mag-o-operate sa bansa.
Samantala, ang tatlong suspek ay pansamantalang nakakulong sa Batangas City PNP habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.
(Jerson J. Sanchez, PIO Batangas City)