batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
June 28, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



GMA @ Inaugural Drive - Thru of Bridge of Promise

Bumisita si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Batangas City noong June 25 para sa Inaugural Drive-Thru ng Bridge of Promise kung saan ay pormal na isinagawa ang unveiling of marker ng tulay.

Sinabi ni Arroyo na naging mabilis ang naging pagkakagawa sa Bridge of Promise sapagkat sa ordinaryong sitwasyon, ang ganitong uri ng tulay ay di natatapos sa loob ng anim na buwan lamang.

Subalit nagawa ito bago dumating ang target date ng completion sa Agosto sa kagustuhang maibalik sa normal ang operasyon ng mga malalaking industriya at mapasiglang muli ang ekonomiya sa Batangas ayon sa Department of Public Works and Highways.

Matatandaang gumuho ang Bridge of Promise noong October 2009 dahilan sa bagyong "Santi" kung saan nahulog sa ilog ang kotse ng isang pamilya na ikinamatay ng ama at ng kanyang tatlong taong gulang na anak.

Ito ay nagdulot ng matinding traffic sa mga major roads at nakaapekto sa mga negosyo sa lungsod.

Ang Bridge of Promise na itinayo noong 1968 ay sinimulang gawing muli noong Enero at mula noong ay laging mino monitor ng pamahalaang lungsod sa inisyatibo ni Mayor Eduardo Dimacuha na hindi nag aksaya ng panahong kumilos upang magawa agad ang nasabing tulay.

Samantalang meron namang nagsabi na nakatulong ang ginagawang tulay sa kanya. Isang construction worker na nagtrabaho sa ilalim ng LR Tiqui kung saan ito ang contractor ng ginawang tulay ang nagkaroon ng mas mataas na sweldo kumpara sa trabaho nya dati.

Dumalo rin sa nasabing okasyon sina DPWH Usec Romeo Momo, Assistant Secretary Bonifacio Seguit, General Awat ng AFP, Cong. Leandro Mendoza, Vice-Governor Mark Leviste at Mayor Eddie B. Dimacuha kung saan ay inextend ang kanyang taus-pusong pasasalamat sa agarang paggagawa ng Bridge of Promise. (Dimpy Lontoc - Matienzo, PIO Batangas City)

Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.