Back-to-School BNHS

Sa patuloy na pagtaas ng tuition fee sa mga pribadong paaralan, marami sa mga estudyante rito ang lumilipat sa mga public schools at isa sa mga ito ang Batangas National Highschool o BNHS na may halos 10,000 enrolees ngayong taon.
Ayon sa guidance counselor ng paaralan na si Maria Nieves Salazar, may 102 estudyante mula pribadong paaralan ang nag-enroll sa BNHS ngayong SY 2010-2011 kung saan patuloy na ipinatutupad ang
"no collection" policy.
Sa pagdami ng populasyon ng nasabing paaralan ay ang paglago rin ng mga gusali nito at ang pinakabago ay ang Gloria Macapagal-Arroyo o GMA Type Building na binubuo ng 30 classrooms.
Ang BNHS ay may dalawang annex, isa rito ay ang pitong taon ng gusali sa Navera sa Concepcion kung saan may 687 estudyante at ang bagong annex nito sa Tingga Itaas na may dalawang section pa lamang. Binubuo ng 60 mag-aaaral ang isang section ng paaralan maliban na lamang sa mga science class na may tig 40 estudyante lamang. Mayroon ding 23 estudyante ng Special Education dito.
Ang BNHS ay isa sa mga historical landmarks ng Batangas City sapagkat ito ay dating garrison ng mga sundalong Hapon noong World War 11. Isa rin ito sa pinakamatagal ng paaralan sa lungsod.
(Dimpy L. Matienzo, PIO Batangas City)