|
Aerodance CHO
Bilang empleyado ng City Health Office, panuntunan din nila ang pagkakaroon ng healthy lifestyle kaya naman pagkatapos ng opisina sa hapon diretso silang exercise sa People's Quadrangle sa pamamagitan ng aerodance na kumbinasyon ng aerobics at dancing.
Ayon kay Marites Furto, isa sa mga coordinators ng aerodance, magaling sa kalusugan ang uri ng exercise na ito sapagkat napapanatili nitong active ang pangangatawan. Ito ay kahalintulad ng Sweet Company, isang activity na binuo ng Nursing Division sa mga Diabetic Patient.
Sa kasalukuyan ay 12 empleyado ang nag-a-aerodancing tuwing hapon ng Lunes, Miyerkules at Biyernes, ganap na ika-5:30 hanggang 6:30 ng gabi. Mayroon silang trainor kung saan ay tinuturuan sila ng hip-hop dancing. Nagkakahalaga ng P50 ang bayad ng gustong sumali kada session. (Dimpy L. Matienzo, PIO Batangas City)
|