batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
July 05, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



City Announcement 2010

Hindi na pupwede ang mga libanero at laging huli sa pagpasok o yuong mga sumusweldo ng hindi pumapasok.

Ito ang ipinarating ng reappointed City Administrator Felipe Baroja sa mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Batangas matapos ang flag ceremony kaninang umaga kung saan ipinakilala rin niya ang mga nahalal na vice mayor at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Kabilang ito aniya sa mga patakarang ipatutupad ni Mayor Vilma Dimacuha sa kanyang panunungkulan upang higit na mapaganda ang serbisyo sa taong bayan.

Binigyang diin ni Baroja na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan ang mga sumusweldo ng hindi nagtatrabaho sapagkat kinakailangan makapaglingkod ang mga kawani sa ating mga kababayan. May ipalalabas din silang memorandum sa mga habitual absentees at may habitual tardiness na ang mga pangalan ay nasa kanilang listahan.

Para naman sa mga empleyadong unfit to work, inia-advice na mag-early retirement na sapagkat ayon kay Baroja ay may ilang kawani na hindi na talaga pwedeng magtrabaho kaya mangyari lamang na makipag-ugnayan sa human resource management and development office para sa nararapat na pondo para sa mga ito.

Mahigpit ding ipinag-uutos ang attendance sa flag ceremony tuwing Lunes, pagsusuot ng uniform at paggamit ng id.

Ipinagbabawal din ang pagpasok ng mga vendors sa mga opisina at ipinatutupad ang pagpatay ng mga ilaw kapag lunch break upang makatipid sa kuryente. At kung mayroong kliyente pag lunch break, ito ay dapat pagsilbihan. (Monina B. Fernandez, PIO Batangas City)
Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.