batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
July 06, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



AH1N1 Vaccine

Namimigay ng libreng bakuna laban sa AH1N1 ang City Health Office sa Batangas City upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan laban sa mapanganib at nakahahawang sakit na ito.

Nauna nang tumanggap ng bakuna mula sa Department of Health ang may 811 public at private health workers sa lunsod kabilang dito ang City Health Office, lying-in clinics, barangay health workers, barangay nutrition scholars, barangay service point officers, mga clinic teachers ng Department of Education at private school doctors at nurses. Kabilang din ang mga nagtatrabaho sa mga pribadong ospital kagaya ng Jesus of Nazareth, St. Patrick at Golden Gate Hospital.

Ngayong taon lamang nagkaroon sa bansa ng bakuna laban sa AH1N1 o swine flu na ang mga sintomas ay lagnat, masakit ang ulo, panghihina at pananakit ng katawan , walang ganang kumain, sipon, ubo at namamagang lalamunan. Matatandaan na Marso nang nakaraang taon nagkaroon ng kaso ng nasabing sakit mula sa mga turistang dumating sa Pilipinas. May naitayang 11 biktima ng AH1N1 sa lunsod noong isang taon ayon sa tala ng City Health Office Bukod sa mga healthworkers, prayoridad ding mabakunahan ang mga buntis, mga batang limang taong gulang pababa, mga may edad 60 pataas, may mga chronic illness tulad ng HIV, diabetes, hika at iba pa.

Bagamat meron ng bakuna para sa AH1N1, pinapayuhan pa rin na pangalagaan ang katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang prutas at gulay at uminom ng vitamins na pampalakas ng resistensya. (Dimpy Lontoc - Matienzo, PIO Batangas City)


Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.