|
National Disaster
Inoobserba ang National Disaster Consciousness Month ngayong Hulyo kaya abala ang mga ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa pangangalaga ng kaligtasan ng mga mamamayan kung may kalidad. Sa Batangas City sinimulan ng City Disaster Management and Coordinating Council sa pangunguna ni Mayor Vilma Dimacuha ang ceremonial observance sa pamamagitan ng pagpapalipad ng mga lobo.
Ang tema ng event ay "Sariling kaligtasan: Pangalagaan, Paghandaan".
Makailang ulit nang tumanggap ng Gawad Kalasag Award bilang Best Component City Disaster Coordinating Council sa Region IV A mula sa Regional Disaster Coordinating Council at Office of the Civil Defense IV-A bilang pagpapatunay sa epektibong disaster management program na isinasagawa ng lokal na pamahalaan o yaong mga paghahandang isinasagawa ng lungsod sa anumang natural o man made disaster na darating.
Si CSWD Officer Mila Espanola at tumatayong Deputized Civil Defense Coordinator ng lungsod at si Mayor Vilma A. Dimacuha naman ngayon ang syang Chairman ng CDMCC.
Ila sa mga isinasagawang pagsasanay ng CDMCC sa mga Barangay ay ang Water Search and Rescue o WASAR Training, basic life support at first aid treatment seminars sa tulong ng Phil. National Red Cross, Philippine Coast Guard, ibat-ibang ahensya at civic organizations at mga departamento ng pamahalaang lungsod
Binibigyang diin ng CDMCC ang kahandaan upang maiwasan ang anumang sakunang darating sa syudad.(Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City)
|