batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
July 06, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



Inaugural Session

Naninindigan ang Commission on Elections sa Batangas City sa resolusyon ng Batangas City Board of Canvassers hinggil sa proklamasyon ni Councilor Narciso Macarandang bilang ika sampung miyembro ng Sangguniang Panglunsod kung kayat siya ang nararapat umupo bilang konsehal.

Ito ang binigyang diin ni ATty. Percival Mendoza , hepe ng COMELEC, sa krisis ngayon sa Sangguniang Panlungsod kung saan kini claim ng dating vice mayor ng Batangas City na si Ruel "Wawing "Chavez na siya ang tunay na nahalal bilang konsehal na nakakuha ng pangalawang pinakamaraming boto kung kayat siya ang dapat umupong miyembro ng konseho at hindi si Macarandang.

"We have no choice but to implement the resolution of the City Board of Canvassers of which I am the chairman that's why I am partial to Macarandang that he should be the one to seat as the member of the Sangguniang Panlungsod," sabi ni Mendoza.

Hindi natuloy ang inaugural session ng Sangguniang Panglunsod noong July 5 dahilan sa di inaasahang pagdalo dito ni Chavez dahil siya aniya ay nanalong konsehal ng lungsod bagamat naproklama na ng COMELEC ang sampung ibinotong miyembro ng konseho.

Bago magsimula ang session, umupo si Chavez sa silyang laan sa ikalawang konsehal na nakakuha ng pinakamalaking boto na sinalubong naman ng malakas na palakpakan ng kanyang mga supporters. Ang kanyang pangalawang ranking kung saan nakakuha siya ng 59,921 boto ang nakalagay sa certificate of canvass of votes ng COMELEC na siyang pinanghahawakan niya na nanalo siyang konsehal.

Ang sitwasyon ay nagdulot ng tension at pagkalito dahilan sa ang ika sampung konsehal na naiproklama ng COMELEC ay si Macarandang na pumasok sa 10 mula sa pang 11 dahilan sa naging withdrawal o pag urong ni Chavez sa kanyang pagkandidato ilang buwan bago mag eleksyon na tinanggap naman ng COMELEC sa en banc meeting nito noong April 20, 2010 kung saan intusan nito ang election officer na alisin ang pangalan ni Chavez sa certified list of candidates para sa Sangguniang Panlungsod members. Sa Resolution 2010-01 ng Batangas City Board of Canvassers, nakasaad dito na "stray" o walang saysay ang mga boto para kay Chavez kung kayat nagkaroon ng adjustment ng ranking kung saan pumasok na ika 10 si Macarandang.

Ayon kay Mendoza, bagamat nagwithdraw si Chavez, walang paraan ang COMELEC na maalis ang pangalan ni Chavez sa balota, PICOS at Consolidating and Canvassing System Machine dahilan sa mahirap at magastos na itong gawin kung kayat naiboto siya at pumangalawa sa may pinakamadaming boto.

Upang mabigyang linaw ang sitwasyon, ipinatawag ni Vice Mayor Joe Tolentino ang hepe ng COMELEC at DILG subalit hindi nakarating ang mga ito. Matapos makipagpulong sa mga konsehal, minarapat ni Tolentino na i postpone ang session at sinabing kukunin muna niya ang opinion ng dalawang hepe kung ano ang dapat gawin. Sumangayon naman ang mga konsehal sa naging desisyon ni Tolentino.

Sinabi ni Macarandang na "ipinauubaya na lamang niya sa COMELEC at sa DILG ang pagdedesisyon sa problemang ito."

Para naman kay Chavez, siya ay nanalong konsehal sapagkat noong araw na nagfiled siya ng withdrawal ng candidacy, binawi rin niya ito ng araw na yon.

Subalit ayon kay Mendoza, final na ang withdrawal ni Chavez at hindi na mababawi pa dahil lalabag na ito sa batas na hindi na pwdeng bawiin ang withdrawal pagkatapos ng deadline ng filing ng certificate of candidacy na pumatak noong December 1, 2009. Binawi ni Chavez ang kanyang withdrawal noong February 23, 2010.

Nagsampa aniya ng demanda si Chavez kung saan ang kaso ay nasa Second Division ng COMELEC laban sa kanya at kay Macarandang kung saan pinawawalang bisa ni Chavez ang COMELEC en ban order no. 10-0522 na dine delete o inaalis ang kanyang pangalan sa certified list of candidates para sa SAngguniang Panlungsod members bunga ng kanyang withdrawal ng candidacy. Ganon din ang Batangas City Board of Canvassers Resolution no. 2010-01 kung saan sinasabing lahat ng boto para kay Chavez ay "stray" o walang bisa at ang proklamasyon ni Macarandang bilang konsehal.

"Habang nakabinbin pa ang kaso sa COMELEC, hayaan na munang umupo si Macarandang upang magampanan niya ang kanyang tungkulin," sabi ni Mendoza. (Angela J. Banuelos, PIO Batangas City)
Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.