batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
July 06, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



VAD visits CEO, Schools

Halos isang linggo pa lang ng kanyang panunungkulan, lumabas na agad ng kanyang opisina si Mayor Vilma Dimacuha at sorpresang binisita ang isang malaking departamento ng pamahalaang lungsod at ilang mga public elementary schools upang personal na makita ang mga problema at pangangailangan dito.

Unang binisita ni Mayor Vilma kaninang umaga ang City Engineer's Office kasama si City Administrator Felipe Baroja dahilan sa layunin niyang mabigyang prayoridad ang konstruksyon at pagsasaayos ng mga pampublikong pasilidad na nangangailangan ng madaliang aksyon.

Ipinakilala sa kanya ni City Engineer Adela Hernandez ang mga division chiefs at ang mga tungkulin ng mga ito .

Inatasan ni Mayor Vilma ang CEO na makipag ugnayan sa Meralco upang alamin ang binabayaran ng pamahalaang lungsod sa konsumo ng elektrisidad para sa mga streetlights upang makagawa ng hakbang na mabawasan ang anumang aksaya sa paggamit ng kuryente . Ito aniya ay bahagi ng pangunahing layunin ng kanyang administrasyon na makapagtipid sa pondo ng bayan.

Hiniling rin niya sa naturang tanggapan na pag-aralan ang posibleng paggamit ng solar energy sa mga maliliit na tanggapan o lugar upang makatipid sa kuryente.

Bago magtapos ang pagpupulong ay mariing hiniling ni Dimacuha ang pakikiisa ng mga kawani ng CEO sa kanyang adhikaing maipagpatuloy ang kaayusan ng lungsod.

Binanggit din niya na hiniling niya sa mga opisyal ng barangay na magsumite ng limang panukalalang proyektong prayoridad sa kanilang Barangay.

Sunod na pinuntahan ng grupo ni Mayor Vilma ang Batangas City East Elementary School na Ikinagulat rin ni City Schools Superintendent Dr. Teresita Reynoso. Kasama sina Engr. Adela Hernandez at iba pang kawani ng CEO ay nagsagawa ang mga ito ng inspection sa pasilidad ng paaralan.

Hiniling ni Reynoso na mabigyang prayoridad ang pagsasaayos ng SPED building na aniya ay masikip na para sa mga mag-aaral nito.

Ipinaalam rin ni Reynoso ang planong paglipat ng City Schools Division sa isang hiwalay na lugar sa loob Batangas National High School. Kaugnay nito ay hiningi niya ang tulong ng pamhalaang lungsod sa pag-aayos ng ilang kinakailangang dokumento.

Ang iba pang paaralan na binisita ay ang ang Alangilan Central School at Kumintang Elementary School. (Marie V. Lualhati, PIO Batangas City)


Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.