batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
July 07, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



Diabetes Awareness Month

Iba't ibang serbisyo ang ipinagkakaloob ng City Health Office sa mga pasyenteng may diabetes sa pag obserba ng Diabetes Awareness Month ngayong Hulyo.

Ayon kay Dr. Dinnah Lucero, medical officer IV, nais nilang mas mapalawak ang serbisyo para sa may 600 pasyente ng diabetes sa lunsod at ipinagmamalaki niya na sa loob ng sampung taon ay tuluy-tuloy ang suporta ng pamahalaang lunsod para sa programang ito.

Sa unang Miyerkules ng buwan naka schedule ng consultation ang mga taga City Hall kung saan pila ang mga kawaning nagpapatingin.

7:30 pa lamang ng umaga ay naghihintay na ang mga pasyente na matawag ang kanilang pangalan upang ma-check-up.

Kapag natapos na dito ay maaari nang pumunta ang mga pasyente sa Gusaling Pangkalusugan at doon ay may nakahandang seminar. Ipinaliwanag dito ang kaibahan ng may mataas at mababang blood sugar, mga sintomas nito at kung ano ang mga wastong pagkain at mga dapat iwasang pagkain.

Isa si Aling Susana Zarate, 85 taong gulang sa mga laging nagpapakonsulta dito. Sa loob ng sampung taon ng kanyang pagkakaroon ng diabetes ay palaging naka-agapay ang Pamahalaang-Lunsod sa mga katulad nilang may diabetes.

Samantala, natutuwa naman si Aling Norma Abacan ng Brgy 13 sa mga libreng gamot para sa high-blood, cholesterol at diabetes.

Bukod sa libreng konsulta, libre rin ang gamot at upang maiwasan ang sakit , sumasailalim ng seminar tungkol sa pag-iwas sa diabetes ang mga pasyente. (Dimpy Lontoc -Matienzo, PIO Batangas City)

Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.