|
Tradefair OCVAS
Mga opurtunidad sa kabuhayan ang itatampok ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services sa Batangas City sa isasagawa nitong Trade Fair sa July 12-15.
Sisimulan ang pagbubukas ng Trade Fair sa pamamagitan ng Banal na Misa sa Basilica of the Immaculate Conception at susundan ng ribbon- cutting na pangungunahan ni Mayor Vilma Dimaucha at ni Miss Agro-Fair 2008 na si Carlota Blanco.
SA unang araw ay bibigyan ng pagkilala ang mga natatanging kooperatiba sa lungsod sa aspeto ng crop production, livestock farming, crop reneuer at micro finance sa pamamagitan ng "Gawad Kabuhayan" na naglalayong mapalawak ang entrepreneurship lalo na sa mga rural areas. Labingdalawang kooperatiba ang napili upang tumanggap ng nasabing award . Magsasagawa naman ang Soro soro Ibaba Development Cooperative o SIDC ng Cooperative Forum para sa mga myembro ng ibat-ibang kooperatiba sa lungsod.
Sa ikalawang araw magkakaroon ng libreng seminar tungkol sa soybean production kung saan tatalakayin ni Elmer Enicola, isang researcher sa University of the Philippines Los Banos, ang mga topics tungkol sa soybean kagaya ng cultural management, integrated pest management, post- harvest handling and processing at marketing.
Para naman sa mga mahihilig mag alaga ng isda, magkakaroon ng Demo on Aquarium Design sa July 14 na pangangasiwaan ng Fisheries Division. Mayroon ding palarong Hito Relay.
Itatampok naman ng Livestock Division ang Search for "Pinaka-malaki at Mabigat Na Hybrid Native Chicken"
Mayroon ding seminar sa Locally Made Incubator Using Recyclable Materials at Free-Range Egg Laying Hybrid Native Chicken.
Sa July 15 ang "Kababaihan 2010" kung saan sila ay lalahok sa mga patimpalak ng Home Extension Division. Magpapagalingan dito ang mga naging participants sa livelihood training na isinagawa ng OCVAS kagaya ng cosmetology, dressmaking at beadworks and fashion jewelry making. May 36 na modelo ang kanilang aayusan at dadamitan. (Ronna E. Contreras, PIO Batangas City)
|