batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
July 08, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



Peanut & Cassava Processing

Maraming pagkain ang nagagawa sa mani at cassava lalo na kung matamis ang paguusapan kaya isang livelihood seminar tungkol sa peanut and cassava processing ang isinasagawa ngayon ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services sa Batangas City.

Ayon kay Dr. Olivia Del Rosario, university researcher ng Institute of Food Science and Technology sa University of the Philippines Los Baņos, ang pag-poproseso ng mani at cassava ay isang paraan upang mas tumagal ang pakinabang dito sapagkat ang pagkaing ito ay madaling masira.

Sa nasabing seminar ay itinuro sa mga participants ang pag gawa ng peanut butter, peanut kisses, polvoron de mani, peanut brittle, cassava flour at cassava chips. Ang cassava ay pagkaing mayaman sa carbohydrates at ang peanut naman ay sa protein at fats.

Ayon pa kay Del Rosario, maganda din itong gawing business sapagkat hindi na kailangan ng mamahalin at malalaking equipment sa pagawa ng mga produkto mula dito at kahit sa bahay lamang ay maaari itong gawin.

Kabilang sa mga participants ang 15 estudyante mula sa Saint Bridget College kasama ang kanilang teacher sa subject na food processing. Ayon sa teachers na si Grace Contreras, nalaman niya na educational ang mga training na isinasagawa sa OCVAS kaya isinama niya ang kanyang mga estudyante dito. (Monina B. Fernandez, PIO Batangas City)

Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.