batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
July 15, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



Agro Fair Opening 2010

Apat na natatanging kooperatiba sa lungsod ang pinarangalan ng Office of the City Veterinarian and Agricultural Services sa aspeto ng crop production, livestock farming, micro finance at coopreneurs sa pamamagitan ng kauna-unahang Gawad Kabuhayan na isinagawa sa pagsisimula ng Likhang Batangas Trade Fair kaninang umaga. Ito ay ginanap sa Peoples Quadrangle.

Ang Pinamucan Silangan Multi Purpose Cooperative nagwaging natatanging kooperatiba sa Crop Production Category kung saan tumanggap sila ng P100, 000 worth of agricultural loan, organic fertilizer para sa 3 ektaryang lupa at plake.

Para sa Gawad Kabuhayan sa Livestock category, ang Talumpok Silangan Multi Purpose Cooperative ay nanalo ng P200,000 worth of renewable facility loan, 3 F1 guilt at certificate.

Ang BANAPRA Development Cooperative naman sa Gawad Kabuhayan for Micro-Finance Category ang tumanggap ng P100,000.00 worth of livelihood loan at plaque.

Tumanggap ng P200, 000.00 worth of loan, P5000.00 cash at plaque ang San Jose Sico Landfill Multi Purpose Cooperative sa pagkakapili dito bilang Gawad Kabuhayan for Coopreneurs grand winner.

Nagpasalamat sina Arnold Mendoza at Yolly Briones ng BANAPRA Development Cooperative sa suporta ng city government sa mga kooperatiba dito sa lungsod. Sa kasalukuyan ang BANAPRA ay 25 years na at province wide na.

Ang awarding ay pinangunahan ni Mayor Vilma A. Dimacuha kasama sina Dra Loyola Bagui at MArilou Q. Toledo, DTI Regional Director sa isang programang isinagawa matapos ang ribbon cutting ceremony ng OCVAS Likhang Batangas Trade Fair sa mga kalye ng P. Panganiban, P. Dandan at MH del Pilar.

Dumalo din sa nabanggit na pagtitipon sina DTI Regional Director Marilou Q. Toledo, DTI Provincial Director Ruel Gonzales, Chief-Regional Agricultural Information Division Pat Bulahagui, Chief-Regional Livestock Artificial Insemination Mr. Fidel Libao, mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod at department heads ng lokal na pamahalaan.

Kasama ni Mayor Dimacuha si Ms. Agro Fair 2008 Carlota Blanco sa paglibot sa may 40 stalls na kinatatampukan ng ibat-ibang bilihin. Ito ay tatagal hanggang July 23.

Ayon kay Marilou Q. Toledo, DTI Regional Director, nagpapasalamat sila sa pamahalaang lungsod ng Batangas sa patuloy na pagsuporta sa pag-po-promote ng mga produkto ng lungsod.

Aniya, napakahalaga na nagkakaroon ng trade fair sapagkat malaki ang maitutulong nito upang maipakita sa mga consumer ang ibat ibang produkto ng isang bayan. Isinasaalang alang din aniya dito ang kalidad ng bawat produkto.

Nagpasalamat naman si Dra. Loyola Bagui, hepe ng OCVAS sa mga nakiisa sa nasabing trade na limang taon na nilang isinasagawa. (Monina Beredo Fernandez, PIO Batangas City)


Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.