batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
July 15, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



Batangas City Trade Fair 2010

Kung mga murang bilihin at sariling atin ang hanap, pwedeng pumunta sa Trade Fair sa Plaza Mabini kung saan iba't ibang items ang mabibili sa may 40 stalls.

Mayroong iba't-ibang uri ng halaman, bulaklak, power stone, damit, sapatos, tsinelas, fashion jewelry. Mayroon ding mga gulay at prutas, Makakabili rin dito ng mga kakanin, glassware at mga kagamitan sa bahay tulad ng pinggan, baso at mga kawali.

Isa si Belen Cabral ng Batangas City ang namamasyal at naghahanap ng murang bilihin.

Samantala, mula pa sa Alfonso, Cavite ang first time na nagtinda dito sa trade fair. Ang kanyang paninda ay mga gamit sa bahay at kusina.

Umaasa naman si Anthony Naa, tindera mula Rosario, Batangas na mas marami pa ang papasyal dito sa nasabing trade fair upang makabenta sila kahit hindi maganda ang panahon.

Ang trade fair ay tatagal hanggang ika-23 ng Hulyo. Ito ay isinasagawa kada dalawang taon kasabay ng pagdiriwang ng Batangas City Foundation Day. (Dimpy Lontoc-Matienzo, PIO Batangas City)


Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.