batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
July 15, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



Double Dead (botcha) @ OCVAS

Mahigit na 70 kilo botcha o yung tinatawag na double dead na karneng baboy ang nasabat ng task force ng Animal Health Council ng Office of the City Veterinary Services o OCVAS sa may Tingga Itaas Batangas City kung kayat napigilan ang masamang balak na ipagbili ito sa palengke.

Kaninang alas nuebe ng umaga napansin ng task force ang isang tricycle na naflat sa may Tingga Itaas, napansin nila na hindi pangkaraniwan ang ikinikilos ng driver at ng sakay nito. Nung kanilang tingnan ay laking gulat nila na may karga pala itong isang buong baboy na patay na, wala ng balahibo at labas na ang bituka.

Ayon kay Norvin Parto, head ng naturang task force, nilalangaw na at maitim na ang karneng baboy na dadalhin pa sana sa bagong palengke upang ipagbili. Kinilala ng team ang may dala ng botcha na si Marilou Dimayuga, 39 taong gulang dating mag lilitson at naninirahan sa Sitio Ferry Kumintang Ibaba at ang driver nitong si Mario Marasigan. Ayon kay Dimayuga, nabili lang niya ang double dead na karneng baboy sa halagang 400 piso lamang sa Kilo, Ibaan Batangas.

Sinabi ng veterinarian ng OCVAS na si Dr. Mac Hornilla na ang double dead na baboyay maaari mag dulot ng iba't-ibang sakit sa mga taong makakain nito kung kayat ipinagbabawal ang pag titinda ng ganitong uri ng karneng baboy. Aniya patuloy ang kanilang pag momonitor upang maiwasan ang pag laganap ng mga itinitindang double dead.

Ang nakumpiskang karne ng baboy ay ibinaon na sa lupa upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga tao at ang kapaligiran. (Liza Perez Delos Reyes, PIO Batangas City)

Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.