batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
July 18, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



Ms. Foundation 2010

Ang Miss Batangas City Foundation day ay isang pretihiyosong titulo sa lungsod, kung kaya't ang Mayor mismo ang pumupunta sa tahanan ng napiling magdala ng titulo. kaugnay nito personal na pinuntahan ni Mayor Vilma Abaya Dimacuha ang masuwerteng dalaga na napiling bilang Ms. Batangas City Foundation Day 2010.

Malugod na tinanggap ni Inna Celo Ivane Banaag Gonda ang napiling Ms. Foundation Day 2010 si Mayor Vilma Dimacuha at mga kasama nito nang dumalaw sa kanilang tahanan noong July 2.

Kasama ni Mayor Dimacuha si dating Punonglungsod Eddie Dimacuha, mga department heads sa pangugunguna ng secretary to the city Mayor, Atty RD Dimacuha at mga miyembro ng Batangas City Cultural Affairs Committee na pinangunahan ni Ed Borbon, vice chairman.

Labis naman ang kasiyahan ng mga magulang ni Inna na sina Cesar at Lolita Gonda_sa personal at pormal na pagdalaw sa kanila upang hilingin ang kanilang pahintulot na maging Ms. Foundation Day 2010 ang kanilang dalagang si Inna. Anila, ito ay karangalan sa kanilang buong pamilya at buong kagalakan nilang tinatanggap ang kahilingang ito ng pamahalaang lungsod.

Hangad nila na matumbasan ni Inna ang karangalan ng titulo at magampanan nito ang mga resposibilidad na isang Ms. Batangas City Foundation Day.

Magkahalong kasiyahan at pag-aalala ang nararandaman ni Inna, pero aniya gagawin niya ang lahat para maging karapat dapat sa titulo at maging huwarang kabataan.

Ayon kay Ed Borbon, maingat ang committee sa pagpili ng Ms. Batangas City Foundation Day. Ilan sa batayan nito ay kagandang asal, magalang sa pagkilos at pananalita, at mula sa magandang pamilya.

Sinabi ni Borbon na tunay na karapat dapat si Inna, dahil higit pa dito ang taglay niyang mga katangian. Si Inna ay 20 taong gulang, nagtapos ng Child Development Education sa University of Asia in the Pacific at ngayon ay nasa unang taon ng kanyang masteral degree sa kaparehong kurso.

Siya rin ay mahusay umawit, sumayaw, tumugtog ng iba't ibang musical instruments partikular ang violin. Aktibo siya sa mga gawaing pangkomunidad, at ilang ulit ng lumahok at nanalo sa mga kumpetisyong itinaguyod ng pamahalaang lungsod. (Marie V. Lualhati, PIO Batangas City)


Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.