batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
July 19, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



Palaro ng Lahi

Bagamat mas popular sa mga kabataan ngayon ang mga laro kagaya ng basketball at iba pang sports , sinisikap pa ring ng pamahalaang lungsod ng Batangas na buhayin ang mga katutubong laro bilang bahagi ng mayamang kultura ng mga Pilipino kung kayat muling idinaos ang Palaro ng Lahi na nilhukan ng mga estudyante sa lungsod.

Ang mga larong ito ay sipa, singki, kadang kadang, patintero, sack race, tayakad at sabong. May 8 elementary schools, 11 high schools ang sumali sa naturang palaro.

Ayon kay Philip Baroja Chairman of the Committee na Palaro ng Lahi , layunin ng patimpalak na ito na imulat ang mga kabataan sa kahalagahan ng kulturang batangenyo at maipag patuloy ng mga kabataan ang tradisyong palaro.

Ang mga nanalo sa larong patintero para sa sekondarya ay ang Paharang, Conde Labac at Navera para sa 1st, 2nd at 3rd, sa Tayakad ay ang Pedro S. Tolentino NHS, BNHS, Balete/North, sa Kadang -kadang, Navera, Talumpok, at Pedro Tolentino Memorial NHS, Sabong, Talumpok, Conde at Balete .

Para sa elementary ang nanalo sa sipa ay sina, Jesiah Mendoza, 1st place, Diether Aguda 2nd, at Gabrielle Perez 3rd place, para sa singki, nanguna si Dana Alyssa Baja, pangalawa si Michaela de la Roca, at pangatlo si Mica Janine Arellano.

Nasungkit naman ng new district ang 1st place, east district ang 2nd at south district ang 3rd place sa sack race girls team sa High School level, sa boys team naman ay ang coastal, new district at east district para sa 1st, 2nd at 3rd. (Liza Perez Delos Reyes, PIO Batangas City)





Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.