batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
July 19, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



Quiz Bee

Bata pa lamang ay dapat malaman na nila ang kahalagahan njg kapaligiran at kung papaano ito mapapangalagaan.

Ito ang layunin ng Tunggaliang Kaalaman sa Kalikasan at Kapaligiran na idinaos noong July 16 kung saan lumahok ang mga elementary at highschool students sa pampubliko at pribadong eskwelahan.

Dalawamput dalawang pribado at pampublikong paaralan ang naglaban-laban sa elementary level kung saan tinanghal na kampeon ang mga mag-aaral ng Sovereign Shepherd School of Values and Learning. Tumanggap sila ng P6,000 na cash prize at medals. Pumangalawa sa kanila ang University of Batangas at sa ikatlong pwesto naman ang mga mag-aaral ng Marian Learning Center and Science Highschool.

Labing apat namang private at public schools ang nagtunggalian sa highschool level kung saan nagwagi ang Pedro S. Tolentino National Highschool. Nagkamit sila ng P 6,000 cash prize at medalya. Nanalo ng ikalawang pwesto ang Saint Bridget College at 3rd place naman ang kinatawan ng Talahib Pandayan National Highschool.

Samantala, kaalinsabay ng nabanggit na gawain ay ang paggagawad ng mga karangalan sa Patimpalak Disenyo ng Lukbutang Maka-kalikasan.

Ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng ganitong klaseng kompetisyon kung saan didisenyuhan ng mga kalahok ang lukbutan o handbag. May 27 establisyimento/grupo ang naglaban laban dito.

Tinanghal sa unang pwesto ang lukbutang likha ng Batangas Rescue and Emergency Assistance group sa lungsod na nagkamit ng P 5000 at trophy. Unanimous ang desisyon ng mga hurado na kinabibilangan ng kinatawan ng Mother Earth Foundation, DENR-Batangas, Ecowaste Coalition at Solid Waste Management Section ng EMB Region IV.

Napili sa ikalawang pwesto ang Metrobank na nagkamit ng P 3500 at trophy at P 2,000 at trophy naman ang tinanggap ng Artwork na nanalong 3rd place.

Naging criteria sa pagpili ng mga nanalo ay ang concept, presentation, originality at materials used.

Dumalo si City Administrator Phillip Baroja bilang kinatawan ni Mayor Vilma A. Dimacuha at ang kinatawan ni Dep Ed Superintendent Dr. Socorro Comia. (Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City)
Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.