batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
July 21, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



Pagpupugay Kay Mayor Eddie

Inilahad ng Cultural Affairs Committee ang makulay na paglago ng kultura at sining sa administrasyon ni dating Punong Lungsod Eduardo B Dimacuha. Ito ay bahagi ng Pagpupugay kay Mayor Eddie na isinagawa noong ika-20 ng Hulyo sa Teachers Conference Center noong ika-20 ng Hulyo.

Ang naturang okasyon ay tinampukan ng mga piling gawain sa pagdiriwang ng malalaking selebrasyon tulad ng pista ng Mahal na Patrong Sto. Nino tuwing Enero, Tanghal Sining tuwing Pebrero at Marso, Foundation Day tuwing Hulyo at kapaskuhan tuwing Disyembre. Ipinakita muli ito sa ibabaw ng entablado ng mga mag-aaral ng iba't ibang eskwelahan.

Ilan dito ay ang sayaw na Subli, Jota Batanguena, Bb. Lungsod Pageant, pagsambit ng lua at ang tula na naglalarawan kung paano nabuo ang plano sa pagpapaunlad ng kultura at sining ng mga taga lungsod ng Batangas. Tunghayan natin ang naturang tula,

Dumalo ang mga kinatawan ng sektor ng komunidad sampu ng pamilya ni Mayor Eddie . Hindi nakadalo ang kanyang maybahay na si Mayor Vilma Abaya Dimacuha dahilan sa kasabay na aktibidad, ang Araw ng mga Kawani sa People's Quadrangle.

Kaugnay pa rin nito, ginawaran ng Cultural Affairs Committee o CAC ang honoree ng plake ng pasasalamat dahilan sa malaking nagawa niya sa larangan ng sining at kultura. Mga pribadong indibidwal ang CAC na naglalaan ng kanilang oras at talento sa pagbalangkas ng mga gawaing pangkultura tulad nina Atty. Tonying Pastor, Luis Borbon, Nedie Lanto, Evelyn Perina, Cynthia Martinez, Eloisa Albotra at Bill Perez. Ang dalawang orihinal na miembro ng CAC na sina Noel Silang at Cultural Director Eduardo Borbon na dati ay kumakatawan sa pribadong sektor noong 1990's ay sa kasalukuyan ay naglilingkuran na bilang mga kawani ng pamahalaang lungsod upang lubos na mapag-ukulan ng pansin ang mga gawaing pangsining at kultura.

Umaapaw naman ang pasasalamat ni Mayor Eddie sa pagpupugay sa kanya. (Letty C. Chua, PIO Batangas City)


Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.