batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
July 21, 2010

Public Information Office
(043) 723 2344



Senior Citizen Bi-Monthly

Idinaos ng Regional Association of Senior Citizens sa Region 1V- A CALABARZON ang kanilang bi -monthly conference at advocacy forum tungkol sa Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizen Act 0f 2010 sa Batangas City noong July 16 kung saan mahigit na 300 kinatawan ng samahan ang lumahok.

Ayon sa presidente ng Office of the Senior Citizens Association sa Batangas City na si Gloria Montalbo, nagpapasalamat siya sa pagkakataong naging host ang Batangas City sa gawaing ito sa tulong ng pamahalaang lungsod na malaking suporta ang ibinibigay sa kanilang samahan sa pamamagitan ng mga proyektong ipinapatupad nito para sa mga senior citizens.

Dumalo sa nasabing conference sina Congressmen Godofredo V. Arquiza at David Kho, Party List representatives; Jose T. Pamplona, regional president ng samahan; at Honorita Bayudan, regional director, Department of Social Worker and Development Region IV.

Ayon kay Councilor Marvey Mariņo at Councilor Narcing Macarandang na siyang chairman ng Committee on Senior Citizen ng Sangguniang Panlungsod at adviser ng OSCA sa lungsod, magtutuwang sila sa pagbabalangkas ng mga batas na higit pang makakatulong sa kapakanan ng mga katandaan.

Kabilang sa mga benepisyo at pribilehiyo ng senior citizen sa ilalim ng RA 9994 ay ang mga sumusunod: 20 percent discount at exemption sa value-added tax (VAT) sa pagbili ng mga goods at services; five percent discount sa electric at water consumption kung ang individual meters para sa utilities ay nakarehistro sa pangalan ng senior citizen at ang buwanang konsumo ay di lalampas sa 100 kilowatt hours ng electricity at 30 cubic meters ng tubigt; libreng bakuna laban sa influenza virus at pneumococcal disease para sa mga kapospalad na senior citizens; P2000 death benefit assistance and monthly social pension of P500 for indigent older persons.

Ayon kay Montalbo, mayroong mahigit sa 18,000 registered senior citizens sa lungsod na siya lamang tumatanggap ng mga benepisyo sa ilalim ng batas kung kayat nanawagan siya sa iba pang katandaan na magparehistro upang makakuha sila ng libreng senior citizen id na siyang gagamitin nila upang makatanggap ng mga benepisyong ito.

Sinabi rin ni Montalbo na bukod sa kabuhayan, kalusugan at skills training, pinagtutunan din nila ng pansin ang patuloy na pagpapalago ng talento ng mga katandaan partikular sa pag-awit at pagsayaw at ang pagpapalawig ng kanilang pagsali sa sports para sa kanilang kalusugan. (Monina Beredo Fernandez, PIO Batangas City)
Copyright © 2003 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed in 800 x 600 Resolution.