Cong. Mariño at Mayor Dimacuha suportado ang mga manlalarong taga-Lungsod.

  STCAA1.jpg STCAA2.jpg

Pinangunahan nina Cong. Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha ang may 500 delegasyon ng Batangas City sa isinagawang parada sa pagbubukas na programa ng Southern Tagalog CALABARZON Athletic Association (STCAA) 2017 noong February 13 sa Sta. Cruz, Laguna.

Kasama nina Cong . Mariño at Mayor Dimacuha sina City Schools Division Superintendent Dr. Donato Bueno, Assistant Superintendent Rina Silva, division supervisors, coaches at trainors.

Ang Batangas City ay may mahigit sa 450 manlalaro na lalahok sa 17 kumpetisyon kabilang ang basketball sercondary level, swimming, kung saan nag uwi ng Gold Medal ang delegasyon at nakasali sa Palarong Pambansa noong nakaraang, at taekwondo na nakakuha naman ng Silver Medal noong 2016.

Nasiyahan si Dr. Bueno sa pagdalo ng dalawang opisyal sa opening program ng STCAA at labis din ang kanyang pasasalamat sa napakalaking suportang ipinagkaloob ng mga ito sa mga manlalaro ng lungsod May 19 delegasyon mula sa mga probinsya, bayan at lungsod sa CALABARZON Region ang kalahok sa STCAA 2017 na inaasahang magtatapos sa February 20.(PIO Batangas City)