- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Local mitigation and adaptation plan laban sa climate change binabalangkas
- Details
- Friday, 17 March 2017 - 10:12:32 AM
BATANGAS CITY-Nasa proseso na ang Batangas City sa pagbuo nito ng proposed enhanced Local Climate Change Action Plan(LCCAP) for 2014-2030 na naglalayong mabawasan ang greenhouse gas emission (GHG) na nagdudulot ng climate change ng 25% kada taon at mapalakas ang adaptation capability ng lungsod. Ito ay bilang pagtupad din sa Republic Act 9729 o Climate Change Act of 2009 na naglalayong maging resilient ang mga komunidad sa iba’t ibang impact ng climate change sa pamamagitan ng mainstreaming nito sa mga programa at polisiya ng pamahalaan.
Ang LCCAP ng Batangas City na isa sa mga naunang local government units(LGU) na nagbalangkas ng ganitong plano ay inaasahang magiging modelo ng ibang LGUs. Ito ay ia update tuwing ikatlong taon. Isang Technical Group na binubuo ng piling empleyado mula sa mga concerned departments ng pamahalaang lungsod at mga kinatawan ng ilang mga industriya ang sumailalim ng workshop na isinagawa ng United States Agency for International Development(USAID) sa pakikipagtulungan ng City ENRO upang ma update at ma improve pa ang ginawang LCCAP.
Ayon sa unang GHG inventory noong 2010, umaabot sa 457,288 tons ang carbon emission ng lungsod bawat taon kung saan pinakamalaki ang buhat sa stationary energy o yuong ginagamit sa pagluluto, ilaw at heater at transport na may 44%; sunod ang industry, 30%; agriculture,10%; waste 10% at forestry and other land use,1%.
Ang mga sektor na ginawan ng mga panukala kung papaano mababawasan ang GHG emission ay ang water, transport, protected area, energy at industry. Ilan sa mga nirekomenda ng Technical Group ang paggamit ng LED lights sa mga buildings at kalsada, paggamit ng biogas digester sa mga large-scale piggeries, traffic at transport improvement, road widening, mangrove planting, waste water treatment facilities, conservation ng marine at iba pang natural resources at inisyatibo ng mga industriya na bawasan ang kanilang GHG emission.
Ayon sa USAID, “The first step in reducing our emission is to understand where it is coming from.” Kaya tinuruan ang mga participants na mag compute ng GHG emission upang malaman kung papano ito mababawasan.
Ang mga USAID consultants na naging resource speakers ay sina Marina Mallare, Jeanette Laurente at Danilo Villas. ( PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.