Mahihirap na senior citizens tumanggap muli ng social pension

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

BATANGAS CITY- Mahigit na 4,921 ng mga mahihirap na senior citizens sa Batangas City ang tumanggap ng kanilang social pension na nagkakahalaga ng P1,500 para sa huling quarter ng taon mula sa Department of Social Welfare and Development(DSWD).

Ang benipisyong ito ay sa ilalim ng Social Pension for Indigent Senior Citizens na isa sa mga probisyon ng Expanded Senior Citizens Act kung saan ang bawat senior citizens mula sa maralitang pamilya ay binibigyan ng buwanang tulong na P500 para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Sa pagkuha ng social pension, kailangan dala ng mga beneficiaries ang kanilang senior citizen card at residence certification ng kanilang barangay. Kung hindi sila makakapunta, kailangan ng authorization sa kanilang kinatawan at ID ng kinatawan.

Mahigit na P7 milyon ang inilaang pondo ng pamahalaang nasyonal para sa last quarter social pension na ito. (PIO Batangas City )