Batangas City PNP Community Relations no. 1 sa rehiyon , mga supporters kinilala

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Binigyang pagkilala ng Batangas City Police Station ang iba’t ibang sektor ng komunidad sa suporta ng mga ito sa mga programa ng kapulisan at nakatulong upang ang City PNP- Police Community Relations Section ay mahirang na Number 1 sa over-all Performance Evaluation Rating sa buong Region 1V-A sa dalawang magkasunod na quarter ng 2018.

Ang pagkilala ay iginawad kaugnay ng pagdiriwang ng 23rd Police Community Relation’s Month 2018 ngayong July na isinagawa sa pagpupulong ng City Advisory Council (CAC) ng pulisya kahapon.

Kabilang sa mga kinilala ay ang mga barangay Cuta, Calicanto, Wawa, Bolbok, Sta. Rita Aplaya dahil sa kanilang malaking suporta sa illegal drugs campaign.

Kinilala rin ang ilang ahensya ng pamahalaan kagaya ng Batangas City Public Information Office, ilang media outlets, religious organizations at ilang indibidwal kabilang si Deputy Prosecutor Evelyn Jovellanos dahil sa patuloy na suporta sa mga plans and programs ng kapulisan sa Anti-Criminality and Anti-Drugs campaign.

Nagpasalamat si Batangas City PNP Chief PSupt Sancho Celedio sa mga nabanggit na aniya ay malaki ang naging konstribusyon sa pagbaba ng kriminalidad at pagpapanatili ng kaayusan ng lungsod ng Batangas.

“Things are getting better in Batangas City, let us continue to work together to make this city a safer place,” dagdag pa ni Psupt Celedio. (PIO Batangas City)