- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Crime volume sa lungsod bumaba sa unang kalahati ng taon
- Details
- Friday, 13 July 2018 - 4:33:45 PM
BATANGAS CITY-Bumaba ang crime volume with vehicular accidents sa Batangas City mula 1,260 noong Enero-Hunyo 2017 hanggang 1,172 ng kagayang panahon ngayong 2018 o pagbaba ng 88 kaso.
Sa kanyang report sa pagpupulong ng Technical Working Group at City Advisory Council, inilahad ni Batangas City Police Officer in Charge PSupt. Sancho Celedio na sa unang kalahating taon ng 2018, ang vehicular accidents ay umabot sa 892 habang ang index crimes ay 114 at ang non-index ay 166.
Ang mga index/8 focus crimes ay: physical injuries (40), theft (21), murder (19), robbery (18), motor- napping (8), rape (4), homicide (3) at carnapping (1). Ang average monthly crime rate ay 13.90%, ang crime clearance efficiency ay 87.86% at ang crime solution efficiency ay 60.71%.
Ang 10 nangungunang barangay na pinakamarami ang focus crimes ay ang Poblacion (24 barangays), Alangilan, Balagtas, Sta. Clara,Cuta, Kumintang Ibaba, Pallocan Kanluran, Bolbok, Calicanto at Tulo. Sa Anti Illegal Drugs campaign, 82 operations ang naisagawa, 131 personalidad ang naaresto at nakumpiska ang 133.95 grams na shabu at 15.57 grams na marijuana na lahat ay may estimated value na P531,128.50.
Sa Oplan Tambay, nahulil subalit hindi ikunulong ang 28 nag-iinom, 20 nagsisigarilyo, at 27 nakahubad sa publiko, 15 sa paglabag sa curfew at 19 na iba pa.
Sa anti illegal gambling, nakapagsagawa ng 35 operations kung saan 106 katao ang naaresto at may P11,335 ang nakumpiskang pera.
Nanawagan si Celedio sa mga mamamayan na i report agad sa pulis ang anumang nalalamang krimen upang ito ay masolusyunan. Mahalaga aniya ang tulong ng buong komunidad sa kapulisan sa pagtugon sa kriminalidad at pagsugpo nito. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.