Babaeng hepe ng city BFP magiging istrikto para sa kaligtasan ng lungsod

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Sinabi ng bagong Acting Fire Marshall ng Batangas City Bureau of Fire Protection (BFP} na si SInsp Elaine Evangelista, kaunaunahang babaeng namuno sa ahensyang ito sa lungsod, na magiging istrikto siya sa pagbibigay ng fire safety permit at sa inspeksyon ng mga establisyimento upang maseguro na ang mga ito ay tumutupad sa Fire Code of the Philippines.

Si Evangelista,40 ay tubong Maynila at humigit kumulang na 13 taon na sa serbisyo. Siya ay dating fire marshall sa bayan ng Bauan at munisipalidad ng San Pascual. Sampung taon siyang naglingkod sa DILG Central Office – Office of the Undersecretary for Public Safety.

Una nyang tinutukan ang operational readiness ng ahensya na sa kasalukyan ay may 30 personnel. Irere-organize niya ang mga volunteer fire brigades upang higit na mapalakas ang pwersa nito. Ipagpapatuloy din aniya nila ang programang Ugnayan sa Barangay at ang Kiddie Junior Fire Marshall. (PIO Batangas City)