Bagong Sico jail warden ipagpapatuloy ang laban sa droga sa kulungan

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

BATANGAS CITY- Sinabi ng bagong warden ng San Jose Sico Jail sa katauhan ni Jail Chief Inspector Neil Felipe Ramo na nagsimulang umupo noong September 14, na ipagpapatuloy niya ang mga magandang nagawa ng kanyang pinalitang jail warden kasame na dito ang pananatiling drug-free ng nasabing kulungan.

Si Ramo, 43, ay tubong Bohol at isang registered nurse, subalit dinala ng kaparalaran sa pagiging jail warden. Siya ay nanilbihan bilang warden ng isang buwan sa Calamba City at tatlong taon naman sa San Pedro, Laguna.

Ayon sa kanya, ang San Jose Sico Jail ang isa sa maayos at maluwag na kulungan na nakita niya sa buong region. Pinuri niya ang kalinisan at pagiging organisado ng sistema sa Batangas City. Aniya, wala siyang masasabi sa administrasyon ng kanyang pinalitan na si J/Supt. Lorenzo Reyes, bagkos ay ipagpapatuloy niya ang mga magagangandang programa ng dating jail warden.

Kabilang dito ang pananatiling drug-free ng kulungan sa pamamagitan ng pagiging mahigpit sa mga bibisita upang maiwasang makapasok sa loob ng selda ang ipinagbabawal na droga at mga kontrabando. Bibigyan din niya ng pansin ang kalusugan ng mga preso sa pamamagitan ng regularl check up, random drug testing at TB mass screening. Importante din sa kanya ang pagpapalawig ng livelihood program upang may pagkakitaan ang mga preso hanggang sa kanilang paglabas sa kulungan. Isa pang ipagpapatuloy ang edukasyon ng mga nais mag-aral sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS).

Ilan sa mga problemang sisikaping matugunan ni Ramo ang kakulangan sa personnel, kawalan ng generator set at emergency lights na mahalaga kung may brown out at ang mahinang supply ng tubig.

Nag courtesy call si Ramo kay Mayor Beverley Rose Dimacuha kahapon, September 17. (PIO Batangas City)