Team EBD naghain na ng certificates of candidacy

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nag filed na ng Certificates of Candidacy (COC) kaninang umaga, October 15, sina Mayor Beverley Rose Dimacuha at Congressman Marvey Mariño sa Batangas City at Provincial COMELEC Offices para sa kanilang reelection bilang mayor at representative ng 5th district ng Batangas kasama ang iba pang local candidates ng Team EBD.

Bago ito, dumalo ang mga kandidato sa Banal na Misa sa Basilica Immaculada Conception bandang 6:15 ng umaga at pagkatapos ay tumuloy sa flag ceremony ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod sa Plaza Mabini. Dito ay ipinakilala ang kumpletong line-up ng candidates sa ilalim ng Nacionalista Party-One Batangas, “team EBD.”

Kabilang dito ang mga incumbent city councilors na sina Karlos Buted, Atty. Alyssa Cruz, Nelson Chavez, Boy Dimacuha, Gerry dela Roca. Oliver Macatangay, Aileen Montalbo, at Julian Villena.

Ang mga bagong kasama sa partido na tatakbo sa pagka konsehal ay sina Aleth Lazarte, ang may bahay ni Coun. Mando Lazarte na matatapos na ang termino, Ched Atienza, may bahay ng dating Bokal Serging Atienza at ina ng last termer din na si Coun. Serge Atienza , dating pangulong ng brgy. Kumintang Ibaba na si Junjun Gamboa na syang pumalit sa nabakanteng lugar sa partido ng namayapang konsehal, Dr. Glenn Aldover at ang dati na ring kumandidato sa pagka konsehal na si Nitoy Pastor.

Kandidato pa rin ng partido sa pagka bokal ng ika-5 distrito (Batangas City) sina bokal Claudette Ambida at Bart Blanco. Guest candidate naman ng partido si Vice Mayor Jun Berberabe na kandidato pa rin sa pagka vice-mayor ng lungsod. Nakasama ng grupo sa pagpapakilala kaniinang umaga ang AGAP Party List Representative Rico Geron.

Magsisimula ang campaign period sa March 30, 2019, at ang national at local elections ay sa May 13, 2019. (PIO Batangas City)