Calumpang 3rd bridge tatapusin ang construction sa Disyembre

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY-Target na matapos ang construction ng P338-million Calumpang 3rd Bridge sa katapusan ng Disyembre ayon sa contractor nito na Freyfil Corporation kayat 24 oras ang trabaho dito ngayon ng may 100 construction workers kasama na ang subcontractor.

Ang proyekto ay binisita nila Mayor Beverley Rose Dimacuha at Congressman Marvey Marino noong November 9 upang makita kung ano na ang status ng construction.

Ayon kay Engr. Ronald Litan, project manager ng Freyfil Corporation, ang project ay 83% completed na. “We already completed half span of the bridge, we installed the box girders halfway already, its approach needs one layer more sa backfill area so we will soon start the concrete pavement and we’ll be able to attain the December completion date. Konting tiis na lang.”

Magkakaroon lang aniya ng delay kapag sumama ang panahon kung saan sineseguro nila ang kaligtasan ng kanilang mga manggagawa at ang mataas na kalidad ng trabaho.

Ang four-lane bridge na ito ay 140 meters ang haba at 15 meters and lapad at nagkukunekta sa Sitio Ferry, Barangay Kumintang Ibaba, Calumpang River at Barangay Gulod Labac. Ang approaches nito ay ay 100 meters mula sa two sides ng tulay.

Ginagawa ang mga kalsada na kukunekta sa dalawang approaches, 353.40 meters sa Sitio Ferry, Kumintang Ibaba side at 348.47 meters sa Gulod Labac .

Ang construction ng 3rd Calumpang Bridge ay ipinatutupad ng Office of the City Engineer sa pamamagitan ng Build and Design Scheme under contract ng Freyfil Corporation.(PIO Batangas City)