Batangas City Comelec nangangailangan ng technical support staff

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Mahigit 100 technical support staff ang kakailanganin ng Commission on Elections (Comelec) sa Batangas City para sa darating na national at local elections sa Mayo kung kayat nagbibigay sila ngayon ng written examination hanggang bukas sa mga aplikante.

Ayon sa Comelec, requirement na ang mga aplikante ay nagtapos ng Information Technology subalit tumatatanggap din sila ng mga guro dahil may background na ang mga ito sa IT. Tumatanggap sila ng walk-in applicants. Ang lugar ng examination ay sa kanilang opisina.

Kapag nakapasa sa examination, ang mga aplikante ay sasailalim sa seminar at hands-on training sa paggamit ng Voters’ Counting Machine IVCM) na siyang gagamitin sa eleksyon.

Ang mga mapipiling technical support staff ay tatanggap ng P6,000.00 para sa transportation allowance at honorarium. (PIO Batangas City)