Produktong gawa ng mga inmates mabibili sa trade fair sa Plaza Mabini

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY – Mga produktong gawa sa recyclable materials at mga pagkain ang mabibilli sa 1st Quarter Livelihood Trade Fair ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Plaza Mabini ngayong Valentine’s Day at kung makakabili ka, matutulungan mo ang mga inmates na siyang gumawa ng mga panindang ito.

Ang mga produktong ito na mabibili sa murang halaga ay mga makukulay na bulaklak na pwedeng ipamigay ngayong valentine’s, paintings, wallets, bags, rugs, crochet products, dishwashing liquid, alkansya at mga pagkain kagaya ng choko flakes at mani. Ipinakita ng mga inmates o tinatawag ngayong persons deprived of liberty (PDL) buhat sa mga jails sa Calabarzon ang kanilang pagiging malikhain sa paggawa ng mga nasabing produkto gamit ang mga recyclable materials kagaya ng mga plastic na bote, sachets, lumang dyaryo at papel.

Ayon kay Chief Inspector Manuel Villas Jr. na City Jail Warden ng Nasugbu, Batangas, layunin ng trade fair na ipromote ang livelihood products ng mga PDL. Ang malilikom na pera ay mapapapunta sa mga PDL upang matulungan sila habang nasa loob ng kalungan at magkaroon ng pagkakakitaan paglabas nila ng kulungan.

Sinabi naman ni Chief Inspector Liza Valentino, City Jail Warden ng Tanauan, Batangas na, malaking tulong din talaga ang mga programa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para maging mga productive citizens ang mga PDL. (Danica Muñoz, OJT/PIO Batangas)

Ibinalita naman ni Cong. Marvey Mariño na malapit na ang konstruksyon ng modernong city library na higit na makakatulong sa pag aaral ng mga estudyante.

Nagbigay ng magandang pagtatanghal ang Batangas National High School at Batangas State University Cultural Guild . (Alvin M. Remo, PIO Batangas)