CHO tutok na sa malawakang pagbabakuna laban sa tigdas

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Sinimulan na ng City Health Office (CHO) ang malawakang Ligtas Tigdas vaccination campaign nito sa apat na simbahan at isang mall noong February 17 kung saan may 178 bata edad 6-59 buwan ang nabakunahan ng measles rubella.

Ang libreng pagbabakuna na naglalayong maiwasan ang pagkakasakit ng nakamamatay na tigdas ay isinagawa ng CHO sa araw ng simba noong Linggo sa Basilica of the Immaculate Conception, St. Mary Euphrasia Parish, Most Holy Trinity Parish, St. Rita de Casia Parish at sa SM Batangas City upang mapakinabangan ng maraming tao ang serbisyong ito.

Muling magkakaloob ng bakuna sa nasabing mall sa February 24, March 3 at 10 sa harap ng carousel mula alas dyes ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Noong February 15, may 47 bata ang nakinabang sa door to door measles vaccination sa barangay Alangilan habang 704 bata naman ang nabakunahan sa fixed post ng CHO sa barangay Wawa at Malitam.