Hybrid native chicken ipinamahagi ng OCVAS

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

May 526 beneficiaries ng Hybrid Native Chicken Dispersal Projec t ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) ang tumanggap ng tig limang manok na aalagaan, March 28 sa nasabing tanggapan.

Ang mga manok na ito ay Sunshine chicken na isang uri ng upgraded native chicken na malalaki ang lahi at nagbibigay din ng mas malalaking itlog kumpara sa mga karaniwang native chicken. Maalwan itong alagaan dahil pwedeng paligaw lamang sa bakuran kapag mahigit isang buwan na. Sa unang 0-21 araw, ang sisiw nito ay dapat nakakulong muna.

Ayon kay Dra, Loyola Bagui, assistant head ng OCVAS. ang hybrid native chicken na ito ay madaling pakainin o masasabing “matakaw” na breed ng manok, kung saan sa umpisa ay papatukain muna ng chicks booster , chicken starter at kalaunan ay pwedeng patukain ng mga organic na pagkain kagaya ng mais, mga ginayat na gulay at iba pa.

Layunin ng OCVAS na tumaas ang kalidad ng mga native chicken sa lungsod kung kaya’t hinihikayat ang ang mga beneficiaries na mapalahian ang mga native chicken nila upang dumami ang mga malalaking lahi ng manok at mga itlog na palilimliman.

Tinuruan ng hepe ng OCVAS na si Dr. Macario Hornila ang mga beneficiaries sa tamang paraan ng pag-aalaga ng hybrid native chicken upang magtagumpay ang proyekto.

Ang mga beneficiaries ay tinukoy sa pakikipag-ugnayan sa mga barangay officials, barangay livestock and agriculture technicians at livestock and poultry raisers association. (PIO Batangas City)