Pagbubukas ng Mayor’s Cup 2019 nilahukan ng mga barangay

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 56416919_2355071958062734_5394617110053781504_o.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

May 43 barangay ang lumahok sa pagbubukas ng Mayor;s Cup 2019, March 31, sa Batangas City Sports Coliseum kung saan magtatagisan ng galing sa larong basketball, volleyball, baseball at softball ang may 99 teams.

Dinaluhan ito ni Mayor Beverly Rose Dimacuha, Congressman Marvey Mariño at ng Team EBD.

May tatlong divisions sa basketball kagaya ng senior's divison na may age bracket na 20-39 years old; junior's category- 19 years old pababa at midget’s division- 12 years old pababa.

Tinanghal na Best in Uniform sa Basketball Senior’s category ang Brgy. Balete, Brgy. Gulod Labac sa Junior’s category at Brgy. Calicanto naman sa Midget’s category.
Sa Volleyball, nakamit ng Brgy. Libjo ang Best in Uniform sa women's division at Brgy. San Isidro naman sa men's division.

Sa Baseball, Best in Uniform ang Libjo sa kategorya ng mga kalahok na edad 16 pababa at Brgy. Bolbok naman para sa ikalawang kategorya na 12 taon pababa.
Sa Softball, nakuha ng Brgy. Bolbok ang award na Best in Uniform.

Tinanghal na Best Muse ng Liga si Lyka Samson ng Brgy. San Isidro. Siya ay tumanggap ng cash, sash at trophy. (Jeanette Reyes /OJT PIO Batangas City)

Atlantis Dive Resorts & Liveaboard