Ground breaking ng senior high school building sa Mahabang Dahilig isinagawa

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Pinangunahan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang groundbreaking ceremony ng stand alone senior high school building sa Mahabang Dahilig Elementary School, April 3.

Hindi lamang ito pakikinabangan ng mga estudyante sa nasabing barangay kundi ng mga karatig na barangay kagaya ng Sto. Nino, San Miguel at San Isidro.

Sinabi ni Mayor Dimacuha na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga kinauukulan kasama na si Congressman Mariño ay abot-kamay na ng mga mag aaral ang itatayong senior high school sa Mahabang Dahilig.

“Simula sa pagbubukas ng klase ngayon Hunyo hindi na kayo kung saan saan pa mag e enrol, dito na mismo sa Mahabang Dahilig senior HS kayo papasok. Ngunit habang sinisimulan ito, ang elementary school muna ang mag papahiram ng mga class rooms upang pansamatalang magamit ng mga senior high school students.

Muling ipinahayag ni Cong. Marvey ang kanyang patuloy na pagsuporta at pagtulong sa mga pagawaing bayan ni Mayor Dimacuha.

Sinabi naman ni OIC City Schools Superintendent Donato Bueno na ito ang ikatlong senior high school na ipapatayo ng pamahalaang lungsod. Bahagi ito aniya ng layunin ng DepEd na ilapit ang paaraan sa mga kabataan

Ayon naman kay Evelyn De Los Reyes, principal ng nasabing elementary school, naging mabilis ang processing ng mga dokumento para maitayo ang nasabing gusali.
LIZA PEREZ DE LOS REYES/PIO BATANGAS CITY

Atlantis Dive Resorts & Liveaboard