Multipurpose covered court sa Dumantay pinasinayaan

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY - Isang multipurpose covered court na nagkakahalaga ng P7.8 million ang naipatayo sa Buklod-Unlad Batangas Inc. (BUBI) Village I sa Barangay Dumantay. Sa tulong ng pamahalaang lungsosd na siyang nagbigay ng pondo para sa project construction sa 691 sq. meter lot na ipinagkaloob naman ng isang non-government organization.

Sa pangunguna nina newly re-elected Mayor Beverley Rose Dimacuha at Cong. Marvey Mariño, pinasinayaan at binasbasan ang proyekto ngayong May 23 . Dumalo rin dito sina Councilors-elect Aileen Montalbo, Alyssa Cruz at Ched Atienza.

Ayon kay Nenita Villamor project manager ng BUBI na siyang nagkaloob ng lupa sa barangay, hindi lamang taga BUBI Village ang makikinabang dito kundi ang buong barangay. Ito din aniya ay hindi lamang magsisilbing venue para sa mga sport activities, barangay meetings at iba pang okasyon, magsisilbi din itong evacuation center upang may malapit na mapagdalhan ng mga biktima ng kalamidad.
Ang nasabing lote ay binili ng Saint Bridget Community Center(SBCC) at ipinagkaloob sa BUBI na tumutulong sa mga mahihirap, mga relocates at ang mga nakatira sa danger zones na magkaroon ng sariling bahay na matitirahan. LIZA PEREZ DE LOS REYES/PIO Batangas City