Senior Citizens building, pinasinayaan

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Pinangunahan nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha ang blessing ng senior citizens building sa barangay Haligue Silangan, May 31. Ito ay itinayo sa karugtong na loteng kinatatayuan ng barangay hall.

Ang isang palapag na gusali ay may disensyong angkop sa mga pangangailangan ng mga senior citizens. Ito ay magiging lugar ng mga pagpupulong ng samahan at iba pa nilang mga gawain.

Ipinaabot ni Haligue Silangan Senior Citizens President, Eufemia Mendoza ang pasasalamat king Cong. Mariño at Mayor Dimacuha sa pagkakaloob ng naturang proyekto. Aniya mas maganda at ligtas ang lugar kung saan magtitipon silang mga nakatatanda. Ipinangako niyang aalagaan ang gusali at mga kasangkapan nito. Bukas rin aniya ito sa mga nangangailangan at gustong gumamit.

Nasiyahan naman si Mayor Dimacuha na naibigan ng mga senior citizens ang proyekto. Aniya ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon suporta sa barangay at pagtutulungan nila ni Cong. Mariño ang pagpapaayos ng kalye dito.

Sisikapin naman ni Cong. Mariño na maihatid sa barangay ang iba pang benepisyo ng mga senior citizens kagaya ng mga gamot na kanilang kailangan. Isa rin aniya sa kanyang mga programa ang libreng operasyon sa katarata para sa mga senior citizens, magpalista palista lamang aniya sa kanyang tanggapan sa Batangas City Sports Coliseum. (PIO Batangas City)