Tanduay-Araw ng Kabataan, Kapamilya Caravan bahagi ng Batangas City Day celebration

  1.jpg

Pagkakataon na ng mga basketball fans na makasalamuha ang kanilang mga paboritong players ng Batangas City Tanduay Ahtletics kabilang ang actor na si Derek Ramsey sa meet- and -greet activities na gaganapin sa Tanduay-Araw ng Kabataan sa ika-19 ng Hulyo, 6:00 ng gabi sa Batangas City Track Oval.

Tampok din dito ang concert ng sumisikat na pop rock band na Agsunta na kilala sa renditions ng hit songs ng mga popular OPM groups sa YouTube. Nanalo sila noong 2018 ng second place sa Himig Handog Awards para sa kantang “Wakasan,”.

Magsisilbing front act nila ang local band na 8th Note na nagwagi sa Battle of the Bands noong Enero.

Magbibigay kasiyahan din ang isa sa mga sikat na female disc jockeys na si DJ Carla Espiritu.

Samantala, sa July 20 gaganapin ang Kapamilya Caravan na libreng mapapanood sa Sports Coliseum simula 4:00 p.m.

Ito ay lalahukan ng mga stars ng teleseryeng Sino ang Maysala? -Mea Culpa na sina Bella Padilla, Tony Labrusca, Ivana Alawi at Kit Thompson.