- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Walter Mart sa Batangas City binuksan na
- Details
- Tuesday, 26 November 2019 - 8:31:00 PM
BATANGAS CITY-Dala ng Walter Mart ang “one-stop, family and fun- shopping experience for the whole family” sa Batangas City sa pagbubukas nito, November 26, sa barangay Calicanto.
Pinangunahan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha ang ribbon cutting ng ika-31 branch ng Walter Mart sa bansa at amg ikaapat sa lalawigan kasama ang iba pang local officials at top executives ng mall.
Ayon kay Walter Mart VP and General Manager, Mall Operations Jeck Buning, hangad ng naturang community mall na makapagbigay ng world -class shopping experience sa pamilyang Batangueno.
Bukod sa pagbibigay ng employment at pag-aambag sa tax revenue ng lungsod, binigyang diin niya na “ We want to build a long term partnership with Batangas City with trust, mutual respect, communication and common purpose”.
#Collab aniya ang kanilang layunin sapagkat tulad ng pamahalaang lungsod, nais nilang maiangat ang antas ng pamumuhay ng pamilyang Pilipino (Family) kung saan the family that pray and eats together, will have more fun; (Food) advocates aniya sila ng great food partikular ng 100% Filipino food; (Faith) kasama ng pananampalataya ay hardwork kung kayat na meet nila ang target opening ng mall ngayong November 26 at higit sa lahat ay (Fun) dulot nila ay kasiyahan.
Binigyang diin ni Mayor Dimacuha sa kanyang mensahe na “Walter Mart made the right choice” sa pag-iinvest sa lungsod na itinuturing na fastest- growing city hindi lamang sa Calabarzon kundi maging sa buong bansa. Sinabi rin niya na “the future is very bright in Batangas City” dahil sa tahimik dito at hardworking at God fearing ang mga mamamayan nito.
Makakaasa aniya ang mga investors na patuloy na mag-iimprove ang business climate sa lungsod at patuloy ang lokal na pamahalaan na magiging business friendly sa mga ito.
Matatagpuan sa Walter Mart ang Abenson’s appliance store, Miniso, Mr DIY at Ace Hardware, Japan Home Center, food court, arcade at malalaking food chain tulad ng Jollibee, Chowking, Mang Inasal at iba pa.
Kaalinsabay ng pagbubukas ng mall ay ang pagbubukas din ng W Department Store at Walter Mart Supermarket na nagbibigay ng special discounts at Buy 1 Take 1 promos sa kanilang mga customers.
Tampok din dito ang “palengke fresh” concept kung saan mabibili ang mga locally- produced products ng mga women’s group at vegetable growers association.
Una rito ay isang banal na misa ang isinagawa sa pangunguna ni Msgr Rafael Oriondo. Kaagad itong sinundan ng pagbabasbas ng mga stalls.
Taos pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Wilson Lim Jr, managing director, Waltermart Community Malls sa mainit na pagtanggap ng mga Batangueno sa pagbubukas ng kanilang mall.
Dumalo at nakiisa din sa grand opening ng Walter Mart sina Governor Hermilando Mandanas, Vice-Mayor Dr Jun Berberabe na kinatawan ni Dr Vivencio Mendoza, mga myembro ng Sangguniang Panglungsod at Sangguniang Barangay ng Calicanto sa pangunguna ni Pangulong Wilma Martinez. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.