Children’s Art Competetion 2016

Gamit ang oil pastel, illustration board at pencil, dalawang oras ang ibinigay sa mga estudyanteng lumahok sa Children’s Art Competition upang maguhit nila ang tema na “Ako, ang Sto. Nino at ang Fiesta”.

May 80 elementaty students mula sa public at private schools ang lumahok sa kumpetisyong ito na ginanap sa SM City Batangas Events Center noong January 8.

Ang mga nanalo ay ang entry # 46 bilang first place na likha ng 11 taong gulang na Grade 6 student ng Ilijan Elementary School na si Kurt Lawrence Alejo.

Ikalawang pwesto naman ang nakamit ng entry #10 ni Sarah Gwyneth Cabungcal ng Kumintang Central School at 3rd prize ang entry #79 ni Glen Pagcaliwagan ng Bucal Elementary School.

Tumanggap din ng special award ang mga entry # 60 ni Mykel Vhon delos Reyes ng Good Shepherd Elementary School, #7 ni Lawrence John Rosales ng Bolbok Elementary School, Gino Bell Christian Corea ng Calicanto Elementary School, Allyssa Seane Plata ng Saint Bridget College at Yean Melody Regine Malos ng Batangas City South Elementary School.

Unanimous ang desisyon ng mga naging hurado na pawang mahuhusay na Kunst Artists na sina Lino Acasio mula sa Lemery, Nante Carandang mula sa Tuy at Zorrick Enriquez mula sa Batangas City. Ayon sa kanila, hangad nila na mapalawig pa ang sining sa lalawigan kung kayat willing sila na sanayin ang mga kabataan na nakitaan nila ng potensyal sa pagguhit.

Naging batayan sa pagpili ng mga nagwagi ay ang relevance to the theme, composition, originality at style.


Ang mga paintings ay naka exhibit sa SM City Batangas Events Center mula January 10 hanggang January 16, 2016.

 

005-1.jpg 005-2.jpg 005-3.jpg 005-4.jpg 005-6.jpg