Batangas City, 3rd sa may pinakamahusay na population management sa bansa

Nanalo ng third place ang Batangas City Population Office sa kauna-unahang 2019 Kaunlarang Pantao Award (KPA) - City Population Office category- na itinaguyod ng Commission on Population and Development upang kilalanin ang mga local government units sa buong bansa na may natatanging population management program na ipinatutupad.

 

Read more...

City govt. kinilala ng CSC dahil sa mahusay na human resource management

Tumanggap ng Certificate of Recognition ang Batangas City government mula sa Civil Service Commission (CSC) Region IV-A noong December 11 sa Hotel Rembrandt, Quezon City dahilan sa nakapasa ang Human Resource Management and Development Office nito sa Maturity Level 2 Accreditation ng Enhanced Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management (PRIME HRM).

 

 

Read more...

Online environmental monitoring system ipapatupad ng City ENRO

Madali ng malalaman ngayon ng City Environment and Natural Resources Office (ENRO) and mga emissions, pollutants at iba pang environmental issues ng mga industriya, business establishments at barangay sa pamamagitan ng Online Environmental Monitoring System.

 

 

Read more...

Japanese technology ginamit sa paglilinis ng Calumpang River

Isang malaking business corporation ang nagbigay ng tulong sa Batangas City sa paglilinis ng Calumpang River gamit ang isang Japanese technology bilang bahagi ng Adopt-a-River project ng Department of Environment and Natural Resources.

 

 

Read more...

Taong may HIV/AIDS hindi dapat katakutan at sa halip ay tulungan

BATANGAS CITY- Sa commemoration ng World AIDS Day noong December 1, muling nanawagan ang mga health care providers na huwag katakutan, husgahan at i discriminate ang mga taong may sakit na Human/Immunodeficiency Virus (HIV)/Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) at sa halip ay tulungan at suportahan ang mga ito sa kanilang paggaling at mapanatili ang normal na pakikisalamuha sa tao.

 

 

Read more...

BFP nagdaos ng Pamaskong Paalaala 2019 sa mall

Isang “strategic” at “community-based” Christmas presentation ang isinagawa ng Bureau of Fire Protection sa SM City Batangas noong Decedmber 6 upang mapalawak ang kaalaman ng mga tao sa fire safety at prevention lalo na ngayong ipinagdiriwang ang Pasko. Ito ay ang “Pamaskong Paalala 2019 BFP Concert at the Mall, na isang 3-1 Yuletide Fire Prevention Event kung saan nakapaloob dito ang Concert, Emergency-Rescue Simulation/Training at Equipment Exhibit.

 

 

Read more...

CLB, 2nd sa best performing school sa LET sa rehiyon

Nakakuha ng 57.25% passing rate sa Licensure Examination for Teachers (L.E.T) noong September 2019 exam ang Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) na rank no. 2 sa Local Colleges and Universities LET Performance sa buong Region IV-A, pangalawa sa City College of Calamba na may 75.34% passing rate.

 

 

Read more...

Mass wedding isinagawa ng isang barangay

peso1

Isang barangay sa Batangas City ang nagsagawa ng maramihang pagkakasal sa layunin nitong maging legal ang pagsasama ng mga mag-asawa at mapalakas ang pundasyon ng pamilya. Noong December 5, siyam na pares ng mga nagsasama ang ikinasal ni Mayor Beverley Rose Dimacuha sa “Kasalang Barangay,” ng San Miguel. Kasama niya rito si Pastor Nonoy Fababier ng Beacon of Christ Bible Community, Inc. na siya namang nagbigay ng sermon.


Read more...